MENU

The Philippine Embassy in Brussels informs the Filipino communities in Belgium and Luxembourg that the European Union Global Diaspora Facility (EUDiF) is accepting proposals for small scale projects amounting from €25,000 to €60,000 for its Diaspora 4 Development (D4D) grants. The D4D grants aim to promote sustainable development by supporting diaspora-led initiatives in areas of climate, economy, education, and health.

Deadline for the submission of proposals is on 15 January 2025.

Further details can be found on the EUDiF Guidelines for Applications through the following link: https://diasporafordevelopment.eu/library/d4d-grants-guidelines-for-application/

In 2022, the Embassy coordinated with Philippine Embassy in Berlin, the Migrant Workers Office-Berlin (then known as POLO-Berlin), and the Philippine Consulate General in Frankfurt to identify professionals from the Filipino diaspora in Belgium and Germany to create project proposals for EUDIF. A proposal on climate change adaptation submitted by Dr. Denis Margaret Matias and Ms. Julie Amoroso Garbin, Filipino diaspora professionals based in Germany, was approved by EUDIF in April 2022. The project resulted in the creation of a curriculum module on environmental science that is now part of the Palawan State University’s approved syllabus for Environmental Science for school year 2024-2025.

In view of the abovementioned success, the Embassy encourages Filipino non-profit organizations legally registered in Belgium and Luxembourg that represent the Filipino diaspora to partner with an associate Philippine-based organization and explore the possibility of submitting proposals for the D4D program that will benefit communities and/or institutions in the Philippines.

===

Ipinaaalam ng Pasuguan ng Pilipinas sa Brussels sa mga Filipino communities sa Belgium at Luxembourg na ang European Union Global Diaspora Facility (EUDiF) ay tumatanggap ng mga project proposal para sa mga maliliit na proyekto na nagkakahalaga ng €25,000 hanggang €60,000 para sa Diaspora 4 Development (D4D) grant. Ang mga grant ng D4D ay naglalayon na itaguyod ang sustainable development sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga diaspora-led initiatives sa larangan ng climate, economy, education, at health.

Ang deadline para sa pagsusumite ng mga panukala ay sa 15 Enero 2025.

Noong 2022, nakipag-ugnayan ang Pasuguang ito sa Pasuguan ng Pilipinas sa Berlin, sa Migrant Workers Office-Berlin (kilala noon bilang POLO-Berlin), at sa Konsulado Heneral ng Pilipinas sa Frankfurt upang tukuyin ang mga propesyonal mula sa Filipino diaspora sa Belgium at Germany upang lumikha ng mga project proposal para sa EUDIF. Isang proposal sa climate change adaptation na isinumite nina Dr. Denis Margaret Matias at Ms. Julie Amoroso Garbin, mga Filipino diaspora professional mula sa Germany, ay inaprubahan ng EUDIF noong Abril 2022. Ang proyekto ay nagresulta sa paglikha ng curriculum module sa environmental science na bahagi na ngayon ng inaprubahang syllabus ng Palawan State University para sa Environmental Science para sa school year 2024-2025.

Dahil sa nabanggit na tagumpay, hinihikayat ng Pasuguan ang mga Filipino non-profit organizations na nakarehistro sa Belgium at Luxembourg na kumakatawan sa Filipino diaspora na mag-partner sa isang associate Philippine-based organization at tuklasin ang posibilidad na magsumite ng mga proposal para sa mga D4D grants na pakikinabangan ng mga komunidad at mga institusyon sa Pilipinas.

Ang mga karagdagang detalye ay matatagpuan sa EUDiF Guidelines for Applications sa pamamagitan ng sumusunod na link: https://diasporafordevelopment.eu/library/d4d-grants-guidelines-for-application/